Debate at interpelasyon sa economic Cha-Cha, tatapusin sa susunod na linggo

Sisikapin ng Kamara na tapusin hanggang sa susunod na linggo ang debate at interpelasyon sa Resolution of Both House No. 2 o ang pag-amyenda sa economic provision ng 1987 Constitution.

Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Chairman Alfredo Garbin Jr., sa susunod na linggo ay tatapusin na nila ang mga pagtatanong kaugnay sa panukala upang maisalang na ito sa ikatlo at huling pagbasa bago ang sine die adjournment ng Kamara sa June 5.

Mayroon pang pitong mambabatas ang nakalista na magtatanong sa plenaryo para sa debate sa economic Charter Change.


Tiwala naman si Marikina Rep. Stella Quimbo na hindi mahihirapang pagtibayin ng Mababang Kapulungan ang economic Cha-Cha.

Aniya, bukod sa panukalang ito ni House Speaker Lord Allan Velasco, marami na ang nag-co-author sa economic Cha-Cha at maraming kongresista na ang nagpahayag ng pagsuporta nila rito.

Facebook Comments