Nauwi sa pananaga ang mainitang debate kaugnay sa usapin ng Electric Bills sa bayan ng Balungao.
Ang biktima ay nakilalang si Leonard Patricio habang ang suspek ay kamag anak din nito na nakilalang si Efren Patricio.
Ayon sa imbestigasyon, nag iinuman ang dalawa kasama ang isa pang kaibigan nang mapunta sa usapin ng Electric Bills ang kanilang usapan.
Dito ay nagkainitan ang dalawa kung saan ay napag hiwalay din subalit habang pauwi ang biktima ay sinundan pala ito ng suspek na armado ng itak at hinamon ng suntukan.
Dito na pinagtataga ng suspek ang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan na agad namang naisugod sa pagamutan at kasalukuyang inoobserbahan habang naaresto ang suspek kasama ang itak na ginamit nito sa pananaga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments