DAMI NG TAONG BUMISITA SA ILANG PRIBADONG SEMENTERYO SA DAGUPAN CITY, DAGSA HANGGANG MADALING ARAW

Dagsa kahapon, Nov 1 ang ilang mga pribadong sementeryo sa Dagupan City hanggang madaling araw ng mga taong mas piniling alas kwatro ng hapon ang pagbisita sa mga puntod ng kani-kanilang namayapang kaanak upang magtagal pa sa paglalim ng gabi.
Ang ilang mga bumisita, kanya kanyang dala ng mga pansapin at inilatag sa harapan ng mga binisitang puntod.
Ayon sa ilang nakapanayam ng iFM Dagupan, minsan lang daw ang pagdaos ng Undas kaya naman mas pinili ng mga ito na abutin ng gabi upang alalahanin ang naging buhay ng mga yumao nilang kaanak kasama pa ang kani kanilang mga pamilya.

Samantala, ilan sa mga ito ay natuwa rin dahil tuyo ang sementeryo ngayon hindi ikumpara sa dati na halos baha ang mga bahagi ng isang sementeryo sa Dagupan City at pahirapan ang mga ito sa pagtungtong sa mga itinayong tawiran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments