DEDESISYUNAN NA | Planong constituent assembly, pagdedesisyunan sa mga susunod na araw

Manila, Philippines – Dedesisyunan na sa mga susunod na araw ang planong pag-convene ng Senado at Kamara bilang constituent assembly o con-ass para sa pag-amyenda sa saligang batas.

Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Chairman at Leyte Representative Vicente “Ching” Veloso, con-ass pa rin ang kanilang isinusulong dahil magastos at matagal ang proseso ng constituent convention o con-con at people’s initiative.

Inatasan rin aniya sila ni House Speaker Gloria Arroyo na baguhin at linawin ang nilalaman ng house concurrent resolution number 9 partikular ang pagkakaroon ng separate voting na nais ng mga senador.


Sabi ni Veloso, sakaling magkaroon ng hindi pagkakasundo sa gagawing separate voting ay dapat sundin ng Kongreso ang nakatakda sa konstitusyon.

Facebook Comments