PDAF | Pagbalik sa Pilipinas ng anak ni Janet Napoles na si Jeane Catherine, kinumpirma ng DOJ

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevara na nakabalik na ng Pilipinas si Jeane Catherine Napoles, anak ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles.

Ayon kay Guevara, Biyernes, August 3 nang makabalik Pilipinas si Jeane mula Denpasar, Indonesia.

Una nang sinabi ni Legal Counsel ni Jeane, na si Atty. Ian Encarnacion, na lumabas nga ng bansa ang kanyang kliyente pero nakabalik na rin ito ng Pilipinas at siya pa mismo ang sumundo rito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Biyernes.


Tiniyak naman ni Encarnacion na handang harapin ng kanyang kliyente ang mga kasong kinakaharap nito hindi lamang dito sa Pilipinas maging ang money laundering case sa Estados Unidos.

Si Jeane ay nahaharap sa kasong graft sa Pilipinas dahil sa kanyang koneksyon sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam.

Facebook Comments