Dedikasyon ng mga kongresista sa gitna ng pandemya, kinilala bago isinara ang 18th Congress

Pinuri sa huling pagkakataon ni Speaker Lord Allan Velasco ang mga kapwa mambabatas sa dedikasyon ng mga ito sa trabaho sa gitna ng pandemya.

Kahapon ay naglahad ng kanyang valedictory speech si Velasco kung saan kinilala nito ang mga kongresista at inisa-isa ang mga mahahalagang panukala na kanilang naisabatas para tugunan ang krisis sa kalusugan.

Ilan lamang sa mga ito ang Bayanihan Laws na nakatulong para mapondohan ang mga programa ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic.


Ito ay nasa ilalim ng binansagang Tulong, Tatag, Tapang at Malasakit na nakatulong para agad na maka-recover ang ekonomiya sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Dagdag pa rito ang mga ipinagmamalaking panukalang batas na naipasa gaya ng retail trade liberalization act, foreign investments act at public service act.

Pinasalamatan din ni Velasco ang mga kapwa mambabatas sa mabilis na pagpapatibay ng 2021 at 2022 national budget.

Facebook Comments