Dedikasyon sa trabaho ng isang Street Sweeper para sa kanyang pamilya at sa bansa sa panahon ng COVID-19, sinaluduhan

Nakakahanga ang sipag at dedikasyon ng mga frontliner sa buong bansa kabilang na ang Street Sweepers na malaki ang ginagawang ambag para mapanatiling malinis ang kapaligiran.

Kabilang dito ang Street Sweeper na si Cecilia Reloban mula sa Mandaluyong City na maaga pa lang ay nagtatrabaho na para maglinis ng kalye at makatulong sa gobyernong mapanatili ang kalinisan kontra COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Reloban na kahit pagod at pawis na siya dahil sa init ng araw ay nananatili pa rin siyang matatag kahit malaki ang posibilidad na siya ay mahawa sa COVID-19, basta’t makatulong siya sa kanyang pamilya.


Si Mrs. Reloban ay may limang anak na patuloy na kumakayod para sa kanilang kapakanan at kinabukasan.

Facebook Comments