Manila, Philippines – Hindi na binibigyang-atensyon ni Senate President Tito Sotto III ang mga kritisismo o tirada ni Sister Patricia Fox laban sa administrasyong Duterte.
Katwiran ni Sotto, hindi na dapat pansinin ang mga dayuhan na wala namang mabuting masasabi para sa ating bansa.
Pahayag ito ni Sotto makaraang sabihin ni Sister Fox na naghahari ang kalupitan at paniniil sa administrasyong Duterte.
Bukod dito, ay marami pang kritisismo at mga akusasyon na binitiwan si Sister Fox laban sa kasalukuyang gobyerno lalo na sa isyu ng paglabag sa karapatang pantao.
Facebook Comments