WANTED | Korean at Japanese fugitives, arestado ng BI

30

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese national at isang Korean na matagal nang wanted sa kani-kanilang mga bansa.

Kinilala ang Hapones na sina Masaya Nonoyama, 57-anyos at ang Koreanong si Lee Jong Hyun, 36-anyos, na naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Taguig City at Dasmariñas, Cavite.

Tiniyak naman ng BI na agad nilang ipapa-deport ang nasabing mga dayuhan.

Si Nonoyama ay wanted sa Japan dahil sa embezzlement o pambubulsa ng pondo o perang hindi niya pag-aari, habang si Lee is ay wanted sa Korea dahil sa swindling.

Facebook Comments