DEDMA | Palasyo, ayaw nang patulan ang komento ni Joma Sison sa ceasefire ng gobyerno sa NPA

Manila, Philippines – Ipinaubaya na ng Palasyo ng Malacañang sa publiko ang pagbibigay ng kumento sa naging pahayag ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Joma Sison na isang panlilinlang lamang ang idineklarang unilateral ceasefire ng pamahalaan sa CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang idineklara ng Pangulo ay para sa mamamayan at hindi na dapat itong ipaliwanag ng Pangulo.

Hindi aniya nararamdaman ni Sison ang Kapaskuhan dahil ito ang nangyayari kapag wala sa Pilipinas.


Matatandaan na ang idineklarang ceasefire ay magiging epektibo 6:00 ng hapon ng December 23 hanggang 11:59 ng December 26 at 6:00 ng hapon ng December 30 hanggang 11:59 ng gabi ng January 2, 2018.

Facebook Comments