DEEPLY DISTURBING | DFA, natanggap na ang ulat ukol sa pagpapauwi kay Philippine Ambassador Renato Villa

Manila, Philippines – Natanggap na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na pinauuwi na ng Pilipinas si Kuwaiti Foreign Ministry si Philippine Ambassador Renato Villa.

Ayon sa DFA, deeply disturbing ang naging aksyon ng Kuwait at hindi naayon sa napag-usapan sa pulong nina Foreign Affair Secretary Malan Peter Cayetano at Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh.

Anila, kakausapin ni Cayetano si Ambassador Saleh para malaman kung bakit nag-iba ang desisyon ng Kuwait kasunod ng naunang kasunduan ng dalawang mga bansa na magpapatuloy ang magandang ugnayan.


Nanindigan rin ang DFA na prayoridad nito ang kapakanan ng mga Filipino saan mang bansa.

Facebook Comments