SISIMULAN NA | Rehabilitation at maintenance ng MRT-3, aarangkada na sa Hunyo

Manila, Philippines – Sisimulan na sa Hunyo ang rehabilitasyon at Maintenance ng Metro Rail Transit (MRT) line 3 na tatagal ng 36 buwan.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Rails Timothy John Batan, lalagdaan na sa ikalawang linggo ng Mayo ng DOTr at Japan International Cooperation Agency (JICA) ang loan agreement at procurement ng rehabilitation and maintenance provider ng MRT.

Kabilang sa terms and conditions ang 0.1 percent per annum, 40 years payment period, at 12 years grace period para sa principal.


Una nang sinimulan ng JICA noong Pebrero ang pag-aaral sa MRT.

Facebook Comments