Defense At Fishing Rights Issue, Hindi Tatalakayin Sa State Visit Ni Pangulong Duterte Sa China

13

CHINA – Hindi tatalakayin sa state visit ni Pangulong Rodrigo sa China ang isyung defense at fishing rights sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea.Ayon kay Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay – maging ang joint exploration na niluluto sa pagitan ng Pilipinas at China ay hindi rin pag-uusapan.Sesentro aniya ang pagbisita ni Duterte sa kung paano mapapabuti ng bansa ang pakikipag-ugnayan nito sa China sa kabila ng umiiral na teritorial dispute.Dagdag pa ni Yasay, sasamantalahin din ng pangulo na buksan ang pintuan ng Pilipinas sa maraming business opportunities mula sa mga Chinese investors.

Facebook Comments