Mga Residente Malapit Sa Coastal Areas Sa Central At Northern Luzon, Pinalilikas Na

5

MANILA – Pinalilikas na ngayon ng pamunuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga naninirahan malapit sa mga coastal areas sa central at northern luzon.Bukod kasi sa posibleng storm surge, maaari ring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa ang bagyong Lawin.Sa press briefing ng NDRRMC kanina, sinabi ni Edgar Allan Tabel ng DILG na aabot sa dalawa hanggang limang metro ang taas ng storm surge na tatama sa mga nasabing bayabayin.Huwag rin aniyang magpapakampante ang mga naninirahan sa mga bulubunduking lugar dahil naman sa posibleng landslide.Para naman matukoy kung gaano kalayo at kataas ang lugar na dapat paglikasan ng mga residente, pinayuhan ni majar lagmay ng dost ang mga ito na bisitahin ang website na noah.dost.gov.ph.Dito makiita ang eksantong lokasyon mayroong banta ng strom surge, landslide at pagbaha sa lugar na tatamaan ng bagyo.

Facebook Comments