Defense Cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia mas pinalakas

59

Nakipagpulong si Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Malaysian Defense Minister Dato’ Seri Hishammuddin Tun Hussein sa pamamagitan ng video teleconference.

Muling tiniyak ng dalawang opisyal ang commitment sa pagpapatupad ng 1994 Memorandum of Understanding (MOU) on Defense Cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia.

Sila ay nagpalitan ng mga ideya kaugnay sa nangyayari sa rehiyon kabilang na ang ASEAN centrality, bagong partnership, nuclear proliferation.


Maging ang posibleng spill-over ng nangyari sa Afghanistan at paglaban sa kinakaharap na COVID-19 pandemic.

Umaasa sina Lorenzana at Hishammuddin na magpapatuloy ang magandang kooperasyon ng Pilipinas at Malaysia at ang trilateral cooperation sa Indonesia.

Facebook Comments