Deployment plan ng Southern Police District sa paggunita ng All Saint’s at All Soul’s Day kasado na

43

Nakahanda na ang Southern Police District sa pagbibigay nang mas mahigpit na seguridad sa kanilang area of responsibility para sa paggunita ng All Saint’s at All Soul’s Day.

Ayon kay Southern Police District Director BGen. Jimili Macaraeg, nakipag-ugnayan na sila sa iba’t-ibang Local Government Units (LGUs) para ma-check ang lahat ng sementeryo o columbarium sa area ng Southern Metro.

Ang management aniya ng Libingan ng mga Bayani ay humiling na palawigin ang kanilang deployment mula November 3 hanggang November 7.


Tiniyak ni BGen. Macaraeg na mahigpit nilang ipapatupad ang minimum public health safety protocols katulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

Panawagan ni Macaraeg sa publiko na sumunod sa mga guidelines para makaiwas na mahawa ng COVID-19.

Facebook Comments