Manila, Philippines – Itinuro ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Defense Department at Philippine Coast Guard (PCG) na siyang dapat magbigay ng assessment hinggil sa namataan sa Pag-Asa Island na mga barko ng Chinese Navy, Coast Guard at fishing vessels.
Ayon kay Foreign Affairs spokesman Robespierre Bolivar, ang DND at Coast Guard kasi ang eksperto sa ground at movement ng maritime vessels.
Ang naturang government agencies din aniya ang may kakayahan sa physical monitoring ng ating maritime domain at umaasa lang ang DFA sa official reports, analyses at rekomendasyon ng mga ito pagdating sa nasabing usapin.
Nanindigan naman ang DFA sa naunang pahayag ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na hindi dapat ikaalarma ang pagkakaroon ng mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS).