Defense Dept. at PNP, nanindigan na kayang disiplinahin ang kanilang hanay sa harap ng kanilang kagustuhan na mabuwag na ang CHR

Manila, Philippines – Nanindigan ang pamunuan ng Defense Department at Phil. National Police na kaya nilang disiplinahin ang kanilang mga tauhan kahit na walang Commission on Human Rights.

Ito ay sa harap na rin ang pahayag nina Defense Sec. Delfin Lorenzana at PNP Chief Dir. Gen Ronald dela Rosa na suportado nila ang pag-abolish ng CHR.

Paliwanag ni Gen. Bato, nagsasagawa sila ng check and balances sa hanay ng PNP pero kung ayaw maniwala rito ng publiko ay wala na raw syang magagawa.


Giit ni Gen. Bato, may paniniwala ang hanay ng PNP sa Diyos, nirerespeto nila ang human rights kaya hindi na raw nila kailangan nang may magli-lecture sa kanila patungkol sa human rights.

Sinabi naman ni Defense sec Lorenzana, na isa sa pinakamahalagang sinumpaaan ng mga sundalo ay pagsunod sa nakapaloob sa constitution ng bansa partikular sa bill of rights kung saan wala sinumang indibidwal ang maapi.

Facebook Comments