Defense Sec. Delfin Lorenzana, kinastigo ang China na nagsasagawa ng ‘provocative activities’ sa WPS

Hindi tinanggap ni Defense Secretary Delfin Lorenza ang panawagan ng China sa Pilipinas na agad ihinto ang mga ilegal at mapanghamong aktibidad nito sa West Philippines Sea.

Iginiit ni Lorenzana, mismo ang China ang nagsasagawa ng probokasyon lalo na sa mga lugar na sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Wala aniyang karapatan ang China na ipatupad ang kanilang batas sa loob ng EEZ.


Dagdag pa ng kalihim, ang historical rights ng China na 9-dash line ay pawang bahagi lamang ng kanilang imahinasyon.

Una nang iginiit ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Li Jian na sumusunod lamang ang Chinese Coast Guard sa batas.

Inakusahan din nila ang Pilipinas na nilalabag ang kanilang soberenya at seguridad sa pamamagitan ng pagpapadala ng military aircraft sa himpapawid malapit sa Nansha Islands.

Nabatid na naghain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest laban sa China dahil sa pagkukumpiska sa mga fish catching devices na ‘payao’ ng mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc nitong Mayo.

Facebook Comments