Defense Sec. Lorenzana, ipinauubaya na sa NBI ang pagiimbestiga sa insidente ng pagkakapatay ng mga pulis sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu

Ikinalungkot ni Department of National Defense Sec. Delfin Lorenzana ang nangyaring engkuwentro sa pagitan ng mga pulis at mga sundalo sa Sitio Marina, Brgy. Walled City sa Jolo, Sulu kahapon.

Sinabi ng kalihim, “very unfortunate” ang nangyaring insidente dahil humantong ito sa pagkamatay ng apat na sundalo na kinilalang sina Major Marvin Indamog, Captain Irwin Managuelod, Seargent Eric Velasco at Corporal Abdal Asula.

Hanggang kagabi hindi pa rin malinaw sa kalihim ang punot-dulo ng insidente na nauwi sa pagkamatay ng apat na sundalo.


Pero, humingi na aniya ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Western Mindanao Command na siyang nakasasakop sa area ng Sulu para makapagsagawa ng patas na imbestigasyon sa insidente.

Sinabi ni Lorenzana, ipinauubaya na nila sa NBI ang pag-iimbestiga sa nangyari at umaasa siya na magkakaroon ng linaw ang insidente.

Facebook Comments