MANILA – Sinampahan ng kasong plunder sa Office of the Ombudsman si Defense Sec. Voltaire Gazmin kaugnay sa P1.2billion Chopper Deal noong 2013.Sa Kanyang reklamo, sinabi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) employee Rhodora Alvarez na tumanggap ng 7-percent na Commission si Gazmin sa nasabing maanomalyang kontrata.Maliban kay Gazmin – inakusahan din ni Alvarez ang iba pang opisyal ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumanggap ng 5-percent na Commission sa nasabi ring proyekto.Una nang kinontrata ng DND ang rice aircraft services at eagle copters para sa pagbili ng 21 unit ng Uh-1-D o Huey Helicopters na nagkakahalaga ng P1.2billion.Kasama rin sa kontrata ang pagsu-supply ng nasabing mga kumpanya ng spare parts para sa nasabing mga air assets.Pero sinabi ni Alvarez na nakasaad sa kasunduan na dapat mai-deliver ang mga huey choppers bago ang september 21 2014 deadline pero hindi ito nangyari.Mula sa kabuuang 21 units, sampu lamang ang nai-deliver ng rice aircraft services at eagle copters.Mula sa nasabing bilang, dalawa lang ang nagagamit ngayon ng philippine air force dahil sira at walang available na piyesa ang mga biniling helicopters.
Defense Sec. Voltaire Gazmin – Sinampahan Ng Kasong Plunder Kaugnay Sa Maanomalyang Chopper Deal Noong 2013
Facebook Comments