Defense Secretary Delfin Lorenzana, kinondena ang ginawang pag-atake ng NPA sa Davao City

33

Manila, Philippines – Kinondena ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang ginawang pag-atake ng New People’s Army sa Davao City.

Ayon kay Lorenzana, lumabas ang tunay na anyo ng rebeleng npa na kontra ang mga ito sa kaunlaran.

Ani Lorenzana ang gusto lamang ng NPA ay maghasik ng takot at karahasan sa buong bansa dahil ito lang ang alam nilang gawin.

Mistulang puro salita lamang ang sinabi ng NPA na gusto nilang isulong ang kapayapaan gayung patuloy ang mga ito sa paggawa ng krimen sa bansa.

Kasabay nito, muling hinikayat ng opisyal ang mga rebelde na bitawan na ang kanilang mga armas at magbalik loob na sa pamahalaan.

DZXL558

Facebook Comments