𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗟𝗘𝗧𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗗 𝗖𝗥𝗢𝗦𝗦 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗣𝗨𝗦𝗣𝗨𝗦𝗔𝗡

CAUAYAN CITY- Tuloy-tuloy ang isinasagawang blood letting activity ng Red Cross Cauayan branch katuwang ang Red Cross Isabela sa iba’t-ibang bahagi ng Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Medical Technologist Majorie Mendoza, noong ika-24 ng Abril ay nagkaroon ng aktibidad sa bayan ng San Mateo kung saan mahigit tatlong daan na bag ng dugo ang kanilang nalikom.

Aniya, ngayong buwan ng Abril ay tatlong blood letting activity ang isinagawa at isasagawa ng kanilang opisina.


Samantala, sa darating na ika-30 ng Abril ay magsasagawa muli ng blood letting activity ang Red Cross sa may University of Perpetual Help System o UPHS sa Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments