Defense Secretary Delfin Lorenzana, pinangalanan na ang susunod na magiging pinuno ng Philippine Army

Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagkakatalaga kay Major General Andres Centino bilang bagong pinuno ng Philippine Army.

Ito ay kasunod ng nalalapit na pagreretiro ni Philippine Army Chief Lieutenant General Jose Faustino sa kaniyang kaarawan sa Nobyembre.

Si Centino ay kasalukuyang commander ng 4th Infantry Division na nakabase sa Cagayan De Oro City.


Pero bago ito ay nagsilbi rin si Centino bilang Deputy Chief of Staff for Operations ng Armed Forces.

Facebook Comments