Defense Secretary Delfin Lorenzana, suportado ang pag-restrict sa terrorist website

Sinuportahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagpapa-restrict ni National Security Adviser Hermogenes Esperon sa mga website na may kaugnayan sa mga teroristang komunista.

Ito ay makaraan na aprubahan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang hiling ni Esperon, at pina-block ang access sa mga website na ito sa mga Internet Service Providers sa Pilipinas.

Ayon sa kalihim na gaya ni Esperon, hindi siya kontra sa malayang pamamahayag, at sinusuportahan pa niya ito.


Paglilinaw ni Lorenzana na ang kanilang tinututulan ay ang pagpapakalat ng maling impormasyon laban sa gobyerno na ginagawa ng mga naturang website.

Ayon sa kalihim, ang pag-restrict sa access sa mga site na ito ay malaking bagay para hadlangan ang panloloko ng mga terorista sa kabataan para sumama sa kanila.

Facebook Comments