SUV driver na sumagasa sa isang guwardya sa Mandaluyong City, naghain ng counter-affidavit

306

Naghain ng counter-affidavit o kontra-salaysay sa piskalya ang SUV driver na sumagasa sa isang guwardiya sa Mandaluyong City.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Danny Macalino, abogado ng SUV driver na si Jose Antonio Sanvicente.

Sa ikalawang pagdinig sa preliminary investigation, kasama nitong naghain si Sanvicente na hindi nagpakita sa nakalipas na pagdinig.


Samantala, sinabi naman Atty. Federico Biolena, abogado ni Christian Floralde, na kumpiyansa siyang papabor sa kanila ang desisyon dahil matibay ang kanilang ebidensya.

Hindi naman nakadalo sa pagdinig si Floralde dahil masama ang kaniyang pakiramdam.

Facebook Comments