Defense Secretary Delfin Lorenzana, negatibo sa COVID-19

40

Negatibo ang resulta ng COVID-19 swab test ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ito ang inanunsyo ng kalihim matapos na magpa-swab test kahapon, July 14, 2020 dahil sa nagpositibo sa COVID-19 ang kaniyang staff officer na ilang beses niyang nakasama sa mga ilang mga mahahalagang biyahe.


Inanunsyo mismo ng kalihim sa media na negative ang resulta ng kaniyang COVID-19 test at nagpasalamat ito sa mga nagdasal.

Matatandaang kanina ay inanunsyo rin ng Department of National Defense (DND) na simula alas-12:00 ng tanghali ngayong araw at hanggang bukas, July 16, 2020, nakalockdown ang main building ng DND sa Camp Aguinaldo sa Quezon City dahil may ilang staff ang nagpositibo sa rapid test at magsasagawa ng disinfection sa gusali.

Facebook Comments