Mayor Joy Belmonte, nakarekober na sa COVID-19

198

Kinumpirma ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na negatibo na siya sa COVID-19 matapos lumabas ang resulta ng kaniyang swab test.

Ayon sa lady mayor, nakakarekober na ang kaniyang kalusugan at kinukumpleto na lamang niya ang 14-day quarantine na itinakda ng umiiral na health protocols.


Aniya, ngayong nagnegatibo na siya sa virus, makakabalik na rin siya sa mga regular niyang aktibidad.

Naniniwala si Belmonte na nakuha niya ang virus sa pagbisita sa mga ospital at mga special concern community.

Pinayuhan ni Belmonte ang publiko na seryosohin ang mga ipinaiiral na health protocols tulad ng regular na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng facemask at ang pagpapatupad ng social distancing upang hindi tamaan ng virus.

Facebook Comments