Defense Secretary Lorenzana at Pangulong Rodrigo Duterte, nangangambang bumagsak sa teritoryo ng bansa ang planong missile attack ng North Korea sa Guam

Manila, Philippines – Naghahanda ngayon ang Department of National Defense sa planong pagpapakawala ng missile ng North Korea sa Guam.

Ito ay sa harap ng tumitinding away ng dalawang bansa.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, posible raw kasing hindi maging accurate ang pagpapakawala ng missile ng North Korea sa Guam at ang kanilang pinangangambahan ngayon maging ni Pangulong Rodrigo Duterte tumama ito sa teritoryong sakop ng bansa.


Dahil dito bahagi ito ngayon ng Disaster Management Plan ng Department of National Defense upang mapaghandaan ang anumang magiging resulta ng missile attack ng North Korea sa Guam.

Maliban dito posible ring mas maging magulo ang planong pagatake ng North Korea sa Guam kung ang gaganti para sa Guam ay ang Estados Unidos.

Malaking away itokung matutuloy ayon kay Lorenzana kaya dapat nilang mapaghandaan.

Facebook Comments