Pinasisibak ni British Prime Minister Theresa May ang kanyang defense secretary na si Gabin Williamson.
Ito ay may kaugnayan pagsasapubliko ni Williamson hinggil sa kahandaan ng UK government na bigyan ng access sa 5G mobile network ang Chinese telecom giant na Huawei.
Nawalan ng tiwala si May kay Williamson bilang kalihim at cabinet member.
Iginiit ni May na hindi dapat naglalabas ng impormasyon si Williamson mula sa mga napag-usapan nila sa security council na walang basbas.
Mariing itinanggi naman ni Williamson na siya ang source ng info leak at hindi rin niya tinanggap na alok ni May na magbitiw siya dahil lalabas lamang na guilty siya.
Pero itinalaga na ni PM May si Minister for Women and Equalities Penny Mordaunt na papalit kay Williamson.
Siya ang magiging kauna-unahang babaeng defense secretary sa kanilang bansa.