Defense Secretary Teodoro, tinawag na propaganda ang pag-angkin ng China sa malaking bahagi ng South China Sea

Tinawag na pananakot ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr., ang pagbabanta na ginawa ng China sa Pilipinas matapos ang pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal noong Biyernes.

Ito’y matapos na bigyang babala ng China ang Pilipinas na maghanda sa posibleng kahinatnan hinggil sa umano’y iligal na aksyon ng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Teodoro, propaganda lamang ang pag-angkin ng China sa malaking bahagi ng South China Sea dahil maliban sa wala itong basehan ay wala naman sa ibang bansa ang naniniwala sa kanilang kasaysayan.


Kasunod nito, nanawagan ang kalihim na magkaisa ang mga Pilipino para igiit ang soberenya at karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea alinsunod sa UNCLOS at international laws.

Facebook Comments