Defense system ng Estados Unidos sa South Korea – naitayo na!

World – Naitayo na ng Estados Unidos ang kanilang TerminalHigh Altitude Area Defense (THAAD) system sa South Korea.
  Ito ay sa kabila ng matinding tensiyon sa Koreanpeninsula kung saan hindi ikinatuwa ng China ang nasabing hakbang.
  Giit ng China – maapektuhan ang kanilang ballisticcapabilities ganoon din ang regional security balance.
  Ayon kay Admiral Harry Harris, ang namumuno sa pacificcommand, na sa mga susunod na araw ay operational na ang missile defense systemna layong depensahan ang South Korea sa anumang banta ng North Korea.

Facebook Comments