Kampo ni Pangulong Duterte, hinamon ni Sen. De Lima lumaban ng patas

Manila, Philippines – Hinamon ni Senator Leila De Lima angkampo ng Pangulong Rodrigo Duterte na lumaban ng patas at harapan.
  Tugon ito ni De Lima sa banta ni Solicitor General JoseCalida na sasampahan ng disbarment case si Atty. Jude Sabio.
  Si Atty. Sabio ang naghain ng kaso sa InternationalCriminal Court o ICC laban kay Pangulong Duterte kaugnay sa serye ng patayangnagaganap sa bansa simula ng ideklara nito ang war on drugs.
  Ayon kay De Lima, alam ng panig ng pangulong duterte namatindi ang magiging impliksyon sa oras na umaksyon na ang ICC.
  Ito aniya ang dahilan kaya pilit nilang pinapasama angnabanggit na reklamo sa ICC laban sa pangulo.
 
 

Facebook Comments