Wednesday, March 25, 2026

Defense team ni VP Sara Duterte sa impeachment complaint, hindi inaalis ang posibilidad na dumulog sa Korte Suprema

Kinumpirma ng defense team ni Vice President Sara Duterte na hindi nila inaalis ang posibilidad na dumulog sa Korte Suprema.

Ayon kay Atty. Michael Poa, isa sa mga abogado ni VP Sara , malinaw kasi sa Konstitusyon na ang Senado lamang ang may kapangyarihan na maglitis sa respondent sa impeachment case at hindi ang Kamara.

Tiniyak naman ni Atty. Poa na handa siyang harapin ang subpoena ng House Justice Committee pero pag-aaralan pa aniya nila ang nilalaman nito.

Iginiit din nina Atty. Poa at Atty. Sheila Sison na hindi maaring lumahok sa impeachment proceedings ng Kamara si VP Sara at ang kanyang legal team kung sa tingin nila ito ay hindi naayon sa Konstitusyon.

Una na ring iginiit ni VP Sara na malinaw na walang patakaran na nagsasabing kailangang personal na dumalo ng respondent sa impeachment complaint sa mga pagdinig ng komite.

Facebook Comments