Deformation ng Taal Volcano island, dulot ng magma activity

Patuloy na nag-iiba ang hugis ng Taal Volcano island dahil sa galaw ng magma sa ilalim nito.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum – ang paggalaw ng magma ay nagreresulta ng pag-“uplift” o pag-angat ng lupa na nagdudulot ng fissures o bitak.

Aniya, indikasyon ito ng posibleng pagkakaroon ng malakas na pagsabog.


Bukod dito, senyales din ang pagtaas ng lebel ng sulfur dioxide at volcanic tremors.

Ang mga volcanic earthquake ay nagdudulot ng pagkulo ng mga tubig sa lawa at pwedeng magresulta ng steam-driven eruptions.

Maliban dito, sinabi ni Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Mariton Bornas na namamaga ang halos buong volcano island.

Sa huling datos, umabot na sa 4,353 tones ng sulfur dioxide ibinuga ng bulkan.

Ang Bulkang Taal ay isang “open system” kung saan walang obstructions sa crater.

Facebook Comments