Unang araw ng voters registration, dinagsa ng maraming aplikante – Comelec

62

Dinagsa ng maraming aplikante ang unang araw ng voters registration para sa May 2022 Elections.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez – na naging maayos ang unang araw ng registration


Maraming voter applicants ang nagpunta sa kanilang Manila at Pasay office.

Umaasa silang magpapatuloy ito sa mga susunod na araw.

Aniya, napansin din nila ang pagdagsa ng mga aplikante sa unang araw ng mga nagdaang registration cycles.

Sinabi rin ni Jimenez – wala pa silang nakikitang problema sa registration.

Magtatagal ang voters registration hanggang September 30, 2021.

Facebook Comments