Dekalidad na Edukasyon sa Bangsamoro hangad ni Sec. Magno

Nagpapatuloy ang mga pagsisikap ng mga opisyales ng Department of Education Autonomous Region in Muslim Mindanao sa mga reporma para sa ahensya.

Kabilang na rito na matugunan ang mga pangangailangan ng higit 20,000 na mga guro at halos anim na raang libong mga mag – aaral ayon pa kay DepEd ARMM Secretary. John Magno sa panayam ng RMN Cotabato.

Masaya ring ibinalita ng kalihim na bago lamang ay silay binigyang pagkilala ng GSIS matapos manguna sa buong Deped Office na may pinakamalaking remittance. Kaugnay nito 3 sa mga empleyado ng departamento ay nanganganib na masibak sa pwesto matapos madiskubre ang mga kabulastugan sa kanilang trabaho dagdag ni Sec. Magno.


Pinagsisikapan na rin ngayon ng DEPED ARMM na maitama ang data ng kanilang mga istudyante, sinasabing nasa 56,000 na mga ghost learners ang nadiskubre ni Sec. Magno at karamihan rito ay nagmumula sa Lanao Del Sur.
Samantala tuluyan na ring na natuldukan na ang higit dalawang dekadang kinasanayan ng mga empleyado na cash advances . Updated na rin ngayon ang pasweldo sa mga guro giit ng kalihim.

Lubos naman ang pagpapasalamat ng mga guro at mga kawani ng DepEd ARMM sa mga naging insiyatiba ng kalihim bagaman halos labing pitong buwan pa lamang itong naitalagang kalihim ay tila naayos na ang higit 20 taong problema ng DepED ARMM.

Wala namang ibang pangarap si Sec. Magno na magkaroon ng dekalidad na edukasyon ang bawat Bangsamoro .(DENNIS ARCON)

Facebook Comments