MANILA – Dekalidad na edukasyon, Ito ang isa sa prayoridad ni Team Galing at Puso Vice Presidential Candidate Sen. Chiz Escudero oras na palarin sa 2016 elections.Ayon kay Escudero, dapat bigyan ng pansin ang mga guro para hindi na magsakripisyong umalis ng bansa.Dahil dito, tiniyak nila ng ka-tandem na si Sen. Grace Poe na maitaas sa P25,000 ang minimum na buwanang sahod ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.Habang itataas rin sa P15,000 kada buwan ang sahod ng iba pang rank and file na empleyado sa mga public school.Sinabi pa ni escudero na aatasan din nila ang Department of Education (Deped) na gawin nang P3,000 o higit pa angteaching supplies allowanceng bawat guro para hindi na sila mag-abono sa pagbili ng mga materyales sa pagtuturo.Pinuna naman nito ang Deped dahil sa kawalan ng kapangyarin sa pagpapatupad sa mga probisyong nakasaad samagna carta for public school teachersdahilan kung kaya hindi umaangat ang katayuan sa lipunan ng maraming guro sa bansa.
Dekalidad Ng Edukasyon Sa Bansa, Isa Sa Mga Tututukan Ng Team Galing At Puso Tandem
Facebook Comments