Deklarasyon ng martial law sa Mindanao, suportado ng business sectors sa Bacolod

Bacolod City, Philippines – Kinumpirma ni Metro Bacolod Chamber of Commerce and Industry (MBCCI) President Frank Carbon na suportado ng business sector sa Bacolod ang ipinatupad na Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Carbon ito ay makaraang kanyang nakausap ang kanilang business partners sa Mindanao lalo na sa Marawi City.

Sinabi ni Carbon, positibo ang paningin ng business sector sa Marawi City sa martial law na ipinatupad ni Pangulong Duterte dahil nais ng mga ito na matapos na ang terorismo ng Maute Group at iba pang rebelding grupo na naghahasik ng kaguluhan sa kanilang lugar.


Nananalig si Carbon na hindi magtatagal ang problema sa Marawi City upang maibalik na sa noramal ang sitwasyon ng negosyo sa naturang rehiyon.

Kaugnay nito, sinasabing hindi apektado ang negosyo sa negros dahil marami pa ring pasahero ang pumupunta sa Bacolod City.
DZXL558, *Agnes Apostol*

Facebook Comments