Para kay Senator Francis Kiko Pangilinan, tagumpay at resulta ng puspusang pagsusulong ng mga hog raisers at mga senador ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng State of Calamity dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF).
Pahayag ito ni Pangilinan na isa sa mga pangunahing nagsulong nito sa layuning malaanan ng dagdag na pondo pangtulong sa mga hog raisers na tinamaan ng ASF ang mga alagang baboy.
Malaking tulong umano ito dahil magkakaroon ng dagdag na pondo na magagamit na tulong pinansyal o indemnification sa mga magbababoy na halos naubos na ang alaga dahil sa ASF.
Magkakaroon din daw ng dagdag na pondo para sa pagpapalawig ng biosafety protocols para masugpo ang pagkalat ng ASF.
Kasabay nito ay makapagpalabas na ang national at local govt unit ng calamity fund para ipangtulong sa mga naluging hog raisers.