Manila, Philippines – Suportado ng karamihan sa mga Pilipino ang idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong ikalawang kwarter ng taon, 57-percent ng mga pinoy ang nagsabi na tama lamang ang deklarasyon ng batas militar sa rehiyon.
Nasa 29 percent naman ang nagsabing na dapat sa Marawi City at sa Lanao Del Sur na lang idineklara ang martial law.
11 porsiyento naman ang nagsabi na dapat idineklara ang batas militar sa Marawi City, Lanao Del Sur at sa kalapit na probinsya.
Nasa 2 percent naman ang undecided.
Lumabas din sa survey na 63 percent ang hindi sang-ayon na palawakin ang martial law sa visayas, habang 23 percent ang pabor at 13 percent ang undecided.
67 percent naman ang hindi pumabor na paabutin ang martial law sa Luzon, habang 23 percent ang pabor at 13 percent ang undecided.
Nabatid na isinailalim ni pangulong duterte ang buong Mindanao noong May 23 dahil sa sumiklab na kaguluhan sa Marawi City.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558