Deklarasyong unilateral ceasefire ng Pangulo sa pagitan ng CPP-NPA-NDF, ipinatupad na ng AFP

Suportado at agad na ipinatupad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na unilateral ceasefire sa pagitan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP- NPA – NDF simula kaninang hating gabi hanggang April 15, 2020.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Filemon Santos Jr., ang deklarasyon ng Pangulo ay patunay na handa ang Commander-in-Chief na magpatupad ng anumang hakbang na makatitiyak sa tuloy-tuloy na paghahatid ng tulong ng mga sundalo sa mga mamayan.

Malinaw, aniya, ang mensahe na ang kaligtasan, kalusugan, at kabutihan ng mga mamayan ang pangunahing prayoridad ng Pangulo sa kanyang hakbang. Kaugnay nito, nanawagan si Santos sa lahat ng sundalo, partikular sa airmen, sailors, marines at reservist, na ituloy lang ang kanilang misyon na pagtulong sa mga publiko at pagtulong sa mga health professionals sa laban kontra sa COVID-19.


Pero pinayuhan din ni General Santos ang mga tropa na manatiling alerto kahit may ceasefire dahil sa nakalipas sa mga nakalipas hindi naman sineseryoso ng NPA ang “good faith” na ipinapakita ng gobyerno.

Facebook Comments