Dela Rosa, hindi trinaydor ni PBBM —Malacañang

Bumwelta ang Malacanang sa naging pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na siya ay niloko lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Dela Rosa, sinabi sa kaniya noon ni PBBM na wala siyang dapat ipag-alala dahil hindi kailanman makikipag tulungan ang pamahalaan sa Internatinal Criminal Court sa kahit anupamang paraan o porma.

Pero ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, walang nangyaring panloloko o betrayal dahil mas hindi dapat lokohin ng Pangulo ang batas, ang interes ng bansa, at ang mga taong naging biktima ng extra judicial killings.


Naiintindihan naman aniya ng Palasyo ang nararamdaman ni Dela Rosa dahil sangkot ito sa kaso, pero hindi aniya pwedeng diktahan ng sinuman ang pamahalaan sa mga ikikilos nito.

Inaasahan na rin aniya ng Palasyo ang ganitong reaksyon gayunpaman, walang ibibigay na special treatment ang gobyerno sa kasong ito.

Facebook Comments