
Makikipagtulungan pa rin ang pamahalaan sa Interpol kung nangyari ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong panahong buo pa ang Uniteam.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, may Uniteam man o wala, pareho pa rin ang magiging aksyon ng Palasyo sa kaso.
Hindi aniya pwedeng magkaroon ng special treatment sa pagpapatupad ng batas dahil lang sa tinatawag na friendship.
Giit pa ni Castro, kung nagkasala ang isang indibidwal at may naghain ng kaso at inisyuhan ng arrest warrant ay dapat itong ipatupad.
Obligasyon aniya ng gobyerno na mapanagot sa batas ang isang akusado kung napatunayang nagkasala.
Facebook Comments