Dela Rosa, nangakong ipahahanap ang nawawalang person of interest sa brutal na pagmasaker sa pamilya Carlos sa Bulacan

148

Bulacan – Tiniyak ng Pambansang Pulisya na ipapahanap pa rin nila ang nawawalang person of interest na si Alvin Mabesa upang ipagpatuloy ang gagawing imbestigasyon sa kanya hinggil sa brutal na pagmasaker sa pamilya Carlos sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa ginawang ambush interview kay PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagdalaw nito sa burol ng pamilya Carlos sa Bulacan sinabi nito na aatasan niya ang lahat ng mga opisyal na hanapin si Mabesa upang maimbestigahan ang kanyang partisipasyon sa brutal na pagpaslang sa pamilya Carlos.

Paliwanag ni Dela Rosa, paiimbestigahan din nito ang pagpaslang sa isa sa mga suspek na si Rolando Pasinos alyas Inggo na natagpuan sa Palmera Phase 7, Brgy. Sto. Cristo, San Jose Del Monte Bulacan kung saan limang daliri nito ay putol at mayroon ding limang saksak sa katawan at may nakalagay na sulat na “adik at rapist ako huwag mo ako tularan”.


Nangako rin si Dela Rosa kay Dexter Carlos Sr. ang naulilang ama na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang pamilya pero hindi nagbigay ng time frame si Bato kung kailan malulutas ang naturang krimen.

Facebook Comments