Delay na paglalabas ng COVID-19 test results, dahilan ng palobo ng kaso – WHO

Iginiit ng World Health Organization (WHO) na ang mabagal na paglabas ng resulta ng COVID-19 test ang isa sa mga dahilan ng pagdami ng mga tinamaan ng virus sa Pilipinas.

Ayon kay WHO County Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, bago pa man mailabas ang resulta ng COVID test ay nahawaan na ng virus carrier ang iba lalo na sa mga nasa bahay.

“What we are seeing from early on in the increase that we are seeing now is that due to delays in confirmation of diagnosis, we find that many people in the same household are already infected by the time diagnosis is confirmed,” ani Abeyasinghe.


Pinayuhan naman ni Abeyasinghe ang pamahalaan para maiwasan ang pagsisiksikan sa mga ospital na agad i-isolate ang mga nagpositibo sa COVID-19 habang ang asymptomatic ay ilipat agad sa mga isolation facilities o mga designated hotels para hindi na makahawa pa ng mga kasama sa bahay.

“There are several options, we have the mega TTMFs, we have the smaller TTMFs. And we also know that there are hotels being used as quarantine centers. So there are several options where people can be quarantined early and rapidly to protect more people being infected, and this needs to happen rather fast because of the increase transmissibility of these new variants which we believe are circulating in the NCR and particularly in parts of Marikina,” dagdag ni Abeyasinghe.

Sa kabila nito, nilinaw ni Abeyasinghe na ang pagdami ng mga nagkakasakit ay hindi lang sa Pilipinas nangyayari.

Facebook Comments