Nagbabala si Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa posibilidad na ma-delay ang canvassing para sa mga kandidato ng presidente at bise presidente sa katatapos na 2022 elections.
Babala ni Rodriguez sa mga kasamahang mambabatas na posibleng kumilos at gamitin ng ilang grupo ang mga kaso laban kay presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para guluhin at ibinbin ang nakatakdang canvassing ng Kongreso.
Sa kabila nito ay tiniyak na tuloy pa rin ang pagbibilang ng boto ng Kamara na nakatakdang simulan sa Mayo 24.
Tanging ang Korte Suprema lamang ang may kapangyarihan na magpahinto sa idaraos na canvassing.
Iginiit ng kongresista na dapat tiyakin ng Kongreso ang maayos at mabilis na tabulation ng mga boto at maiproklama ang mga nanalong presidente at bise presidente ng bansa.