Malacañang, may hamon sa mga bagong halal na senador

158

Panahon na para simulan ang trabaho para mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Ito ang reaksyon ng Palasyo matapos na maiproklama kahapon ng Commission on Elections (COMELEC) bilang National Board of Canvassers (NBOC) sa 12 nanalong senador.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, panahon na para umusad matapos ang mainit na panahon ng kampanya at eleksyon at gampanan na ang tungkulin ng bawat isa.


Sinabi ni Andanar na mahalagang magkaisang magtrabaho ang mga bago at lumang set ng mga senador at ipagdasal ang tagumpay ng bansa.

Aniya, nagluklok ang taumbayan ng mga bago at datihang mga mukha sa Senado, dala ang pag-asa sa pagsusulong ng mga makabuluhang panukala.

Una nang nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa mga bagong set ng senators elect.



Facebook Comments