Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang Department of Education (DepEd) dahil sa hindi maayos na plano na nagresulta ng pagka-delay ng produksyon at pamamahagi ng mga printed modules.
Sa gitna ito ng nagpapatuloy na distance learning program.
Batay sa 2020 report ng COA, nakasaad na ilang regional offices ng DepEd ang pumili ng mga suppliers na hindi maganda ang printing capacity at hindi sumunod sa nakatakdang deadline.
Kung ikokonsidera kasi ang pangangailangan ng mga mag-aaral, dapat na madaliin ang plano kasabay ng pagiging maayos na kalalabasan.
Sa ngayon, bumuo na ng task force si Education Secretary Maria Leonor Briones upang magbigay ng agarang solusyon sa concern ng COA.
Facebook Comments