Delegado ng 10th NUJP National Congress, Nagprotesta sa Quezon City!

Cauayan City, Isabela – Umabot sa isang oras na protesta ang isinagawa ng mga delegado ng 10th National Union of Journalists of the Philippines National Congress, bilang pagkundena sa pagpaslang sa isang mamamahayag sa Davao Del Norte kamakailan.

Matapos ang buong maghapon na pag-uulat ng bawat chapters sa kanilang mga kagalingan at kalagayan ng mga mamamahayag ay idinagdag sa programa ang isang rally dahil sa hindi inaasahan ang pagpatay kay Dennis Wilfredo Denora ng Panabo City, Davao Del Norte.

Ang pagkitil sa buhay ni Denora ay naganap bago ang tatlong araw na National Congress, na umanoy isang dahilan kung bakit idinagdag na lamang sa programa ang rally kahapon.


Kabahagi sa pagkundena na itigil ang pagpatay sa mga mamamahayag lalo na sa mga kritiko ng administrasyong Duterte.

Samantala, umaabot na sa labing isang mamamahayag ang napaslang sa unang dalawang taong panunungkulan ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments